Kelot, tinodas ng kaalitan
@Balitang Probinsiya | February 19, 2022
PALAWAN–Isang binata ang namatay nang saksakin at tagain ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. San Manuel, Puerto Princesa City.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak at taga sa katawan na si Demar Gapilango, 24-anyos, samantalang ang suspek ay si Dindo Badilla, nasa hustong gulang at kapwa residente sa nasabing na bayan.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Badilla at Gapilango na humantong sa pananaksak at pagtaga ng suspek sa biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi si Gapilango sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Kaagad namang nadakip ng mga rumespondeng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong murder.



Comments