Kelot, tinodas ng erpat
- BULGAR
- Jan 30, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 30, 2022
QUEZON–Patay ang 19-anyos na binata nang pagsasaksakin ng kanyang ama kamakalawa sa Bgy. Balubal, Sariaya.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Edrian Quijano, samantalang ang suspek ay ang ama nito na si Arnold, 46-anyos, at kapwa residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama na humantong para pagsasaksakin ng suspek ang biktima.
Matapos ang pananaksak ay kusang sumuko sa pulisya ang suspek.
Nabatid na sinampahan na ng pulisya ang suspek ng kasong parricide.



Comments