- BULGAR
Kelot tinepok ng kainuman
@Balitang Probinsiya | May 13, 2022
BATANGAS – Isang lalaki ang namatay nang barilin ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Santiago, Malvar sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Emerito Castro, samantalang ang suspek ay si Mark Owen, kapwa nasa hustong gulang at kapwa residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nag-iinuman sina Castro at Owen sa nasabing barangay nang magkaroon ng pagtatalo ang dalawa.
Nabatid na habang nagtatalo ay naglabas ng baril ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima hanggang mapatay.
Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.