top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kelot tinaga ng tiyuhin

BULGAR
Jun 5, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 5, 2022


QUEZON--Isang 27-anyos na lalaki ang sugatan nang tagain ng kanyang tiyuhin kamakalawa sa Bgy. Palagara, Tiaong.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng tama ng taga sa ulo na si Ronil Villagracia, samantalang ang suspek ay ang tiyuhin nito na si Gilberto Villagracia, 51-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Ronil at Gilberto na humantong para pagtatagain ng suspek ang biktima.

Kaagad dinala ng kanyang mga kamag-anak si Ronil sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.


Nahaharap ang suspek sa kasong attempted murder.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page