Kelot, tinaga ng lasing
@Balitang Probinsiya | February 23, 2022
AKLAN--Sugatan ang 48-anyos na lalaki tagain ng lasing kamakalawa sa Bgy. Tibiawan, Makato.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng tama ng taga sa ulo na si Joselo Taborda, samantalang ang suspek ay si Julious Ordoryo, 32-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nang makita ni Ordoryo si Taborda na naglalakad ay agad itong tinaga ng suspek sa ulo.
Matapos ang pananaga ay tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng rumespondeng pulisya, samantalang dinala ng mga residente ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente ng pananaga.



Comments