Kelot, tinaga ng kaalitan
@Balitang Probinsiya | February 14, 2022
AKLAN–Sugatan ang 49-anyos na lalaki nang tagain ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Mataphao, New Washington.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan na si Antonio Retiro, samantalang ang suspek ay si Dante Baroquillo, 40-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Retiro at Baoquillo na humantong para pagtatagain ng suspek ang biktima.
Matapos ang pananaga ay tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng nagrespondeng pulisya, samantalang ginagamot pa sa ospital ang biktima.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong attempted murder.



Comments