top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kelot, timbog sa illegal na sabungan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 24, 2022


AKLAN--Isang lalaking nagsusugal sa ilegal na sabungan ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Mina, Lezo.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Mark Reyes, 37-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa awtoridad na may mga nagsasagawa ng ilegal na sabong sa naturang lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip si Reyes, pero nakatakas ang ibang sabungero.


Nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa lugar na pinagdausan ng ilegal na sabong.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal gambling.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page