Kelot, timbog sa boga sa checkpoint
@Balitang Probinsiya | February 02, 2022
CAPIZ–Isang lalaking armado ng baril ang dinakip kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Cabug-Cabug, President Roxas.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Riben Delesti, nasa hustong edad at residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na napadaan si Deliste sa police checkpoint at nang kapkanan ay nakumpiskahan ito ng dalawang at mga bala.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong 2 counts ng illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa gun ban ng Comelec.



Comments