Kelot, timbog sa baril at shabu
@Balitang Probinsiya | June 27, 2023
ILOILO -- Isang binata ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu, dalawang baril at mga bala kamakalawa sa Bgy. Cubay, Jaro District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jefferson Sumaguio, 28, residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Sumaguio sa bisa ng search warrant at dito nakumpiska ang dalawang pakete ng shabu, dalawang baril at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at 2-counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments