top of page
Search
  • BULGAR

Kelot, tepok sa banggaan ng 2 motorsiklo

@Balitang Probinsiya | July 8, 2022


BATANGAS—Isang lalaki ang namatay at isa pa ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Bayanan, San Pascual.


Ang nasawi ay nakilalang si Rogelio Mendoza, 51-anyos, samantalang ang sugatan ay si Jayvee del Mundo, 18-anyos, kapwa nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng mga motorsiklong mimanaheho nina Mendoza at Del Mundo kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Mendoza.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page