- BULGAR
Kelot sugatan sa kainuman
@Balitang Probinsiya | May 7, 2022
AKLAN – Isang lalaki ang kritikal ang kalagayan nang saksakin ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Rosario, Malinao sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng saksak sa katawan ay nakilalang si Allan Milano, 45-anyos, samantalang ang suspek ay kinilalang si Rey Retilba, 42, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman sina Milano at Retilba ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa kaya naglabas ng patalim ang suspek at agad sinaksak sa katawan ang biktima.
Nabatid na nakaresponde agad ang mga tauhan ng pulisya kaya nadakip si Retilba.
Sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa sa pagamutan ang biktima.