Kelot sugatan sa bumaligtad na SUV
@Balitang Probinsiya | May 15, 2022
AKLAN – Isang lalaki ang sugatan nang bumaligtad ang kinalululanan nilang SUV (Sports Utility Vehicle) kamakalawa sa Bgy. Mambog, Banga sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala na si Omar Robraan, nasa hustong gulang, residente ng Bgy. Manoc-Manoc, Boracay Island sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng SUV si Serad Abuat habang kasama si Robraan kaya bumaligtad ang naturang sasakyan.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan na siyang ginagamot sa pagamutan.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa naganap na insidente.



Comments