top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot sugatan sa banggaan ng 2 sasakyan

BULGAR
Dec 24, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 24, 2022


ISABELA—Sugatan ang isang lalaki nang aksidenteng magkabanggaan ang SUV (Sports Utility Vehicle) at kolong-kolong kamakalawa sa Bgy. Batal, Santiago City.


Hindi na muna pinangalanan ang driver ng SUV at driver ng kolong-kolong habang iniimbestigahan pa ng pulisya ang naganap na aksidente.


Ayon sa ulat, kapwa umano mabilis ang takbo ng SUV at kolong-kolong, kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang lugar.


Napag-alamang nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang driver ng kolong-kolong.


Ginagamot na sa ospital ang driver ng kolong-kolong, samantalang iniimbestigahan pa ng pulisya ang driver ng SUV tungkol sa naganap na aksidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page