Kelot sinaksak ng utol
- BULGAR
- Sep 6, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 6, 2022
QUEZON—Isang lalaki ang sugatan nang saksakin ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa sa Bgy. Bigo, Pagbilao.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Allan Abrehan, 42-anyos, samantalang ang suspek ay ang kapatid nitong si Laurence, 38-anyos, kapwa residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong para saksakin ng suspek sa katawan ang biktima.
Matapos ang pananaksak sa kanyang kapatid ay agad tumakas ang suspek, pero nadakip din siya ng mga rumespondeng pulisya.
Nahaharap si Laurence sa kasong frustrated parricide.



Comments