Kelot, sinaksak ng selosong helper
@Balitang Probinsiya | February 13, 2022
NUEVA ECIJA–Sugatan ang isang binata nang saksakin ng helper dahil sa selos kamakalawa sa Bgy. Dulong-Bayan, Quezon.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Angelo Corpuz, 20-anyos, samantalang ang suspek ay si Jojo de Guzman, 25-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakipag-break umano kay De Guzman ang nobya nito at pagkaraan ay nalaman ng suspek na ang bagong karelasyon ng dalaga ay si Corpuz.
Nabatid na nang makita ni De Guzman si Corpuz ay agad itong pinagsasaksak ng suspek.
Ginagamot na sa ospital si Corpuz, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek.



Comments