Kelot sinaksak ng lasing
@Balitang Probinsiya | Enero 24, 2023
BATANGAS—Isang lalaki ang sugatan nang saksakin ng lasing kamakalawa sa Bgy. Cuta, Batangas City.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Aron Balbastro, samantalang ang suspek ay si Jan Javier, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nang malasing sa alak ay sinuntok ni Javier si Marc Bacsa, 27-anyos, na pinsan ni Balbastro.
Dahil dito, nagsumbong si Bacsa sa pinsan niyang si Balbastro at nang sitahin ay biglang pinagsasaksak ng suspek ang biktima.
Ginagamot na sa ospital si Balbastro, samantalang nakatakas naman si Javier na pinaghahanap na ng pulisya para sampahan ng kasong frustrated murder.



Comments