Kelot sinaksak ng kuya
@Balitang Probinsiya | September 30, 2022
AKLAN—Sugatan ang isang lalaki nang saksakin ng kanyang nakatatandang kapatid kamakalawa sa Bgy. Mabilo, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng tig-isang saksak sa katawan at kamay na si Rudolf Loctoc, 31-anyos, samantalang hindi muna pinangalanan ang suspek hangga't hindi ito nadadakip ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong para saksakin ng suspek ang biktima.
Matapos ang pananaksak sa kanyang kapatid ay agad tumakas ang suspek, samantalang ginagamot na ngayon sa ospital ang biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek upang masampahan ng kasong frustrated parricide.



Comments