top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Kelot sinaksak ng kapatid

  • BULGAR
  • Jun 11, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | June 11, 2022


AKLAN–Sugatan ang 31-anyos na lalaki nang saksakin ng kanyang nakakatandang kapatid kamakalawa sa Bgy. Kinalangay, Viejo.


Nakilala ang biktimang nagtamo ng saksak sa katawan na si Joseph Isagre, samantalang ang suspek ay ang kuya nito na si Vicente, 42-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nag-iinuman umano ang magkapatid nang magkaroon ng pagtatalo kaya sinaksak ng suspek ang biktima.


Matapos ang pananaksak sa kapatid ay sumuko sa pulisya si Vicente.


Ginagamot na sa ospital si Joseph, samantalang nakapiit na si Vicente sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page