top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kelot, sinaksak ng kaalitan

BULGAR
Jun 26, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 26, 2022


AKLAN—Sugatan ang isang binata nang saksakin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Daja Sur, Banga.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang biktima hangga’t hindi naipararating sa pamilya nito ang pananaksak sa kanya ng suspek na si Elizer Montoya, 51-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang kakuwentuhan ng binata ang kanyang mga kaibigan ay dumating ang suspek at agad sinaksak ang biktima na tinamaan sa kanang braso.


Matapos ang pananaksak ay nagtangkang tumakas ang suspek, pero naaresto siya ng mga rumespondeng pulisya.


Kaagad dinala ng kanyang mga kaibigan ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page