top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kelot, pinatay ng tiyuhin

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 24, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 24, 2022

AKLAN–Isang 21-anyos na binata ang sinaksak at napatay ng kanyang tiyuhin kamakalawa sa Bgy. Tigayon, Kalibo.


Ang biktimang nagtamo ng saksak sa katawan ay nakilalang si Christian Tuban, samantalang ang suspek ay si Diangson Navarette, nasa hustong gulang, at kapwa residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa pulisya, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang magtiyuhin na humantong para saksakin ng salarin ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nabatid na nagtangka pang tumakas ang suspek, pero nadakip din agad siya ng nagrespondeng tauhan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page