Kelot, pinatay ng katoma
@Balitang Probinsiya | January 12, 2022
CAPIZ–Isang 20-anyos na binata ang sinaksak at napatay ng kanyang nakaalitang kainuman kamakalawa sa Bgy. Hipona, Pontevedra.
Ang biktimang nagtamo ng saksak sa katawan ay nakilalang si Christian Asuelo, samantalang inaalam pa ng mga awtoridad ang pangalan ng suspek.
Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo si Asuelo at ang suspek na humantong para saksakin ng salarin ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments