top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kelot pinatay ng kapitbahay

  • BULGAR
  • Dec 2, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 2, 2022


PALAWAN—Patay ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Samarinana, Brookes Point.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak ay nakilalang si Ian Idusma, 45-anyos, samantalang ang suspek ay si Margarito Gregorio, 41-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa pulisya, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Idusma at Gregorio na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi si Idusma sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page