Kelot pinatay ng kaalitan
@Balitang Probinsiya | June 4, 2022
NORTH COTABATO–Patay ang 40-anyos na lalaki nang barilin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Cabaruyan, Libungan.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Edgar Meneses, residente ng Bgy. Batiocan sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang kausap umano ni Meneses ang hindi kilalang lalaki ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong sa pamamaril ng salarin sa biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang salarin.



Comments