Kelot, niratrat ng mga armado
@Balitang Probinsiya | July 10, 2022
NORTH COTABATO—Patay isang binata nang barilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Balindog, Kidapawan City.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Jericho dela Pena, 19-anyos, residente ng naturang barangay.
Ayon sa ulat, naglalakad pauwi si Dela Pena nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga salarin.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.



Comments