Kelot, niratrat ng mga armado
@Balitang Probinsiya | February 1, 2022
NEGROS OCCIDENTAL–Isang lalaki ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. 2, Bacolod City.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Donald Graciano, nasa hustong gulang, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, nakatayo si Graciano sa nabanggit na barangay nang lapitan ng mga suspek at agad pinagbabaril.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.



Comments