top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kelot, niratrat ng 3 armado

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 28, 2020



MASBATE—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng tatlong hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Concepcion, Aroroy.


Nakilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Ronnel Laurio, nakatira sa Bgy. Luy-a sa naturang bayan.


Napag-alamang habang minamaneho ni Laurio ang kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Naglunsad na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page