Kelot, natagpuang patay sa CR
@Balitang Probinsiya | February 12, 2022
CAPIZ–Isang 35-anyos na lalaki ang natagpuang patay kamakalawa sa loob ng comfort room ng abandonadong bahay sa Bgy. Sta. Cruz, Ivisan.
Kinilala ng pulisya ang biktima Jessie Quirao, residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na ilang naglalarong bata ang nakatagpo sa duguang bangkay ng biktima sa loob ng comfort room ng abandonadong bahay.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nalamang may laslas sa pulso si Quirao na maaaring ito umano ang ikinamatay ng biktima.
Inaalam ng mga awtoridad kung nagpakamatay ang biktima o kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito.



Comments