Kelot, nakuryente sa palaisdaan
@Balitang Probinsiya | January 23, 2022
CAPIZ–Isang lalaki ang namatay nang makuryente kamakalawa sa palaisdaan sa Bgy. Tacas, Pontevedra.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ponciano de Asis, 38-anyos at residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nagtatabas ng damo sa gilid ng palaisdaan si De Asis ay tinamaan ng itak nito ang livewire na nakakonekta sa fishpond kaya nakuryente ang biktima.
Nabatid na sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga residente si De Asis sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments