top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kelot nahulog sa tricycle, dedbol

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 21, 2022


CAPIZ–Isang 19-anyos na binata na nahulog sa tricycle ang namatay na kamakalawa sa ospital ng Roxas City.


Ang biktima ay kinilalang si John Lloyd Baliquidang, residente ng Bgy. Punta Tabuc, sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, aksidenteng nahulog si Baliquidang sa tricycle na minamaneho ng kanyang pinsan at una ulong bumagsak sa sementadong kalsada ang biktima noong December 30, 2021.


Kaagad dinala ng kanyang pinsan si Baliquidang sa ospital, pero kamakalawa ay namatay na ang biktima habang ginagamot sa pagamutan.


Hindi naman nagsampa ng reklamo ang pamilya ni Baliquidang dahil bukod sa aksidente ang nangyari ay kamag-anak din nila ang driver ng tricycle.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page