top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kelot, nagbigti sa puno ng aratiles

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 9, 2021


AKLAN--Isang 20-anyos na binata ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa puno ng aratiles kamakalawa sa bayan ng Banga.


Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang binatang nagbigti na residente ng nabanggit na bayan


Nabatid na isang residente ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng biktima sa puno ng aratiles sa nasabing lugar.


Ayon sa mga kamag-anak ng biktima ay wala silang alam na dahilan para magpakamatay at magbigti ito.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page