Kelot nagbigti
@Balitang Probinsiya | May 18, 2022
QUEZON – Isang lalaking may sakit na TB (tuberculosis) ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili kamakalawa sa loob ng kanyang kuwarto Lagalag, Tiaong sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ang biktimang 52-anyos, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na ilang kamag anak ng biktima ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa loob ng kanyang kuwarto.
Ayon sa pamilya ng biktima ay wala silang alam na dahilan para magpakamatay ang biktima, maliban sa nahihirapan na ito sa sakit niyang TB.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.



Comments