- BULGAR
Kelot, nabangga na, nasagasaan pa
@Balitang Probinsiya | May 2, 2022
CAVITE – Isang 29-anyos na lalaki ang namatay nang aksidenteng mabangga at masagasaan ng isang trak kamakalawa sa Bgy. Bancal, Carmona sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Marlito Tabuena, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni Gregorio Guinto, nasa hustong gulang kaya nabangga at nasagasaan nito ang biktima na naglalakad sa gilid ng kalsada.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nahaharap ngayon si Tabuena sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.