top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot na nagnakaw ng bike, buking sa shabu

Writer: BULGAR
BULGAR
May 7, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 7, 2023


ILOILO—Isang lalaki ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya dahil sa pagnanakaw ng bisikleta at pag-iingat ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Veterans Village, Iloilo City sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Jay Gonzales, 23, residente ng nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang tauhan ng pulisya na kasuntukan ni Gonzales ang isang William Pineda sa nasabing lugar, at nang awatin ng mga awtoridad ang dalawang nagsusuntukan, dito nalaman na ninakaw ng suspek ang bisikleta ni Pineda.


Dahil dito, kinapkapan ng mga awtoridad si Gonzales at nakumpisahan ito ng ilang sachets ng shabu.


Nakapiit na ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong qualified theft at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page