Kelot na may sakit, natapuang patay sa bahay
- BULGAR

- Aug 2, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 2, 2020
CAGAYAN—Isang lalaking may sakit ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay kamakalawa sa Bgy. Maddarulog Sur, Enrile.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Mico Duarte, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagtaka ang mga kapitbahay ni Duarte kung bakit hindi ito lumalabas ng bahay at nang silipin nila sa bintana ay dito nila nakita ang bangkay ng biktima.
Dahil dito, agad ini-report ng mga residente sa pulisya ang pagkamatay ni Duarte sa loob ng bahay nito.
Nabatid na kaagad rumesponde ang pulisya at sa imbestigasyon ay napag-alamang may sakit na liver cirrhosis ang biktima.



Comments