Kelot na gumahasa sa batang babae tiklo
@Balitang Probinsiya | September 15, 2022
SORSOGON—Isang 31-anyos na binatang gumahasa sa batang babae ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Lungib, Sorsogon City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Andrew Bunao, residente ng nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nag-iisa sa kanilang bahay ang biktimang itinago sa pangalang "Sally" nang pumasok ang suspek ay dito ginahasa ang biktima.
Matapos ang panggagahasa ay tumakas ang suspek.
Nabatid na nagsampa ng kasong rape at child abuse ang biktima laban kay Bunao kaya nang lumabas ang warrant of arrest ay agad itong dinakip ng mga awtoridad.



Comments