top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kelot kritikal sa hit-and-run

BULGAR
Oct 14, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 14, 2022


PALAWAN—Isang 38-anyos na lalaki ang nasa kritikal na kalagayan nang ma-hit-and-run ang isang van kamakalawa sa Bgy. Oring-Oring, Brooke's Point.


Nakilala ang biktima na si Rolando Bersales, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, tumatawid sa kalsada si Bersales nang aksidente itong mabangga ng rumaragasang van.


Nabatid na nagtamo ang biktima ng malaking pinsala sa ulo at katawan at agad itong dinala ng mga saksi sa pagamutan.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang tumakas na driver ng van.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page