top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kelot kinatay ng 3 mag-uutol

BULGAR
Apr 23, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 23, 2022


ALBAY – Isang binata ang namatay nang pagtulungang saksakin ng tatlong magkakapatid na lalaki kamakalawa sa Bgy. Gabawan, Daraga sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Angelo Satembre, 23-anyos, samantalang ang mga suspek ay sina Anthony, Randy at Andre, pawang may apelyidong Borromeo, mga nasa hustong gulang at mga nakatira sa nasabing barangay.


Nabatid na habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo si Satemre at mga suspek kaya pinagsasaksak ng magkakapatid ang biktima.


Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page