Kelot binoga ng kaalitan
@Balitang Probinsiya | December 23, 2022
CAMARINES SUR—Sugatan ang lalaki nang pagbabarilin ng kaalitan nito kamakalawa sa Bgy. Bonot-Sta. Rosa, Calabanga.
Ang biktimang nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa likod at hita ay nakilalang si Alex Ortiz, 40-anyos, residente ng nabanggit na barangay.
Nakilala naman ang suspek na si Daniel Perez, nasa hustong gulang, na tumakas matapos ang pamamaril.
Ayon sa ulat, dati na umanong may alitan sina Ortiz at Perez at nang makita ng suspek ang biktima ay agad niya itong pinagbabaril.
Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek.



Comments