top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kelot, arestado sa shotgun

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 11, 2022


AKLAN–Isang lalaki ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shotgun at mga bala kamakalawa sa Bgy. Calimbajan, Makato.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Harish Taladtad, nasa hustong edad at residente ng nabanggit na barangay.


Nabatid na nakita ng nagpapatrulyang ng pulisya si Taladtad na kahina-hinala ang kilos habang naglalakad kaya sinita ito at nang tingnan ang laman ng dala niyang bag ay dito nakita ang paltik na shotgun at mga bala.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page