Kelot, arestado sa boga at marijuana
@Balitang Probinsiya | February 27, 2022
SORSOGON–Isang lalaki ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng baril at shabu kamakalawa sa Bgy. Tnampo, Irosin.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Arnel Nicol, 37-anyos, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng baril, mga bala, dalawang sachets ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments