top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kawatang lolo, wanted!

BULGAR
May 29, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 29, 2022


ZAMBALES – Isang lolo na wanted sa kasong pagnanakaw ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad sa Olongapo City sa lalawigang ito.


Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang suspek hangga't hindi ito nadadakip ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, ang 64-anyos na lolo ang suspek sa sunud-sunod na pagnanakaw sa mga stall sa lumang palengke ng lungsod.


Nabatid na nakilala ang suspek sa pamamagitan ng CCTV dahil ito ang nakitang nanloloob sa mga stall sa palengke.


Sakaling madakip ay agad sasampahan ng pulisya ng mga kasong qualified theft ang lolo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page