top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kawatang IT expert pinaghahanap

BULGAR
Sep 24, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 24, 2022


BATANGAS—Isang IT (Information Technology) expert ang pinaghahanap ngayon ng pulisya dahil sa ginawang pagnanakaw sa 18 laptops kamakalawa sa Tanauan City.


Hindi muna pinangalanan ang suspek na empleyado ng kumpanyang kanyang pinagnakawan, hangga't hindi ito nadarakip ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, pagpasok kinaumagahan ng mga kapwa empleyado ng suspek sa pinapasukan nilang kumpanya ay nawawala na ang 18 unit ng laptop.


Dahil dito, agad tiningnan ng manager ang CCTV at dito nakita na ang IT expert ang nagnakaw ng mga laptops, at hindi na rin ito pumasok sa naturang kumpanya.


Nagpalabas na ngayon ng malawakang manhunt ang pulisya para madakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page