top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kawatan ng LPG tank arestado

BULGAR
Oct 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 15, 2022


BATANGAS—Isa sa dalawang lalaking nagnakaw ng dalawang LPG tank ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bolbok, Batangas City.


Nakilala ang suspek na si Rex Reales, 29-anyos, nakatira sa nasabing lungsod, samantalang hindi muna pinangalanan ang isa pang magnanakaw hangga't hindi ito nadarakip ng mga awtoridad.


Napag-alamang dinakip ng pulisya si Reales dahil sangkot ito sa pagnanakaw sa dalawang LPG tank na pag-aari ng biktimang si Jayson Layola, nasa hustong gulang at nakatira rin sa naturang lungsod.


Ayon sa ulat, narekober sa pag-iingat ni Reales ang isang nakaw na LPG tank.


Hindi naman nanlaban si Reales nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page