top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kawatan ng internet cable, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
May 23, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 23, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang magnanakaw ng kable ng internet ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Singcang-Airport, Bacolod City sa lalawigang ito.


Itinago muna ng pulisya ang suspek sa alyas na "Mario" nasa hustong gulang habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, may nag-report sa pulisya na ninanakaw ni "Mario" ang mga kawad ng internet sa nasabing barangay kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.


Hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at sinampahan na ng kasong qualified theft.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page