Kawatan ng bakal sa sementeryo, arestado
@Balitang Probinsiya | January 10, 2022
BUKIDNON–Arestado ang isang laborer na nagnakaw ng mga bakal ng sementeryo kamakalawa ng mga awtoridad sa Bgy. Poblacion Norte, Don Carlos.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ariel Orapa, nasa hustong gulang at residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, ilang saksi ang nag-report sa pulisya sa ginagawang paglagare ni Orapa sa mga bakal sa museleo sa Don Carlos Cemetery at dahil dito ay agad rumesponde ang mga awtoridad kaya nadakip ang suspek.
Sa imbestigasyon ay inamin ni Orapa na ibebenta sana umano niya ang mga bakal sa junkshop.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong qualified theft.



Comments