top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Karpintero, natagpuang patay sa ilog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 5, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | March 5, 2022

CAPIZ–Isang karpintero ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa ilog na sakop ng Bgy. Dinginan, Roxas City.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pepito Beldia, 54-anyos at residente sa nabanggit na barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima habang nakalutang sa nasabing ilog.


Ayon sa ulat, huli umanong nakitang buhay si Beldia habang nanghuhuli ng maiuulam na isda sa naturang ilog.


Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid kung pagkalunod ang ikinamatay ni Beldia o kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page