top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Karnaper, todas sa police checkpoint

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 17, 2020



NUEVA ECIJA—Isang karnaper ang napatay nang makipagbarilan sa mga awtoridad sa police checkpoint kamakalawa sa Bgy. Sumacab Este, Cabanatuan City.


Sa kasalukuyan ay kinikilala pa ng mga awtoridad ang napatay na suspek.


Ayon sa ulat, isang nagngangalang Michael Tayam ang nag-report sa pulisya na kinarnap ng suspek ang kanyang tricycle at dahil dito ay agad naglatag ng checkpoint ang mga awtoridad.


Nang mapadaan sa checkpoint ay biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad kaya gumanti ng putok ang mga operatiba dahilan upang mapatay ang karnaper.


Napag-alamang nakarekober ang pulisya ng baril, mga bala at 10 sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page