Karnaper, tiklo sa police checkpoint
@Balitang Probinsiya | January 20, 2022
CAPIZ–Isang karnaper ang naaresto ng mga awtoridad kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Lawaan, Roxas City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ricky Matutis, at residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na napadaan si Matutis sa police checkpoint at nang beripikahin ang mga papeles ng minamaneho niyang motorsiklo ay napag-alaman ng mga awtoridad na karnap ito.
Dahil dito, agad dinakip ng pulisya ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong carnapping.



Comments