top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Karnaper, tiklo sa buy-bust

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 9, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 9, 2020



RIZAL—Isang notoryus na karnaper ang nadakip sa isinagawang buy-bust kamakalawa sa Taytay.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si John Francisco, residente ng Bgy. San Juan sa nabanggit na bayan.


Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may ibinebentang karnap na motorsiklo si Francisco kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya dahilan kaya nadakip ang suspek.


Kusa namang sumama sa pulisya at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya sa nabanggit na bayan.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong carnapping.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page