top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Karnaper pumalag, dedo sa shootout

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 1, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 1, 2023


ZAMBOANGA DEL SUR -- Isang karnaper ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Kawit, Pagadian City sa lalawigang ito.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si John Rick Orandoy, nasa hustong gulang at residente ng naturang lungsod.


Nabatid na akmang dadakpin ng pulisya si Oranday kaugnay sa ginawa nitong pagnanakaw ng isang motorsiklo, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.


Dahil dito, mabilis na gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.


Nakarekober ang pulisya ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page